Dilim Ng Dagat

Sa aking pag-iisa, dama ko ang lamig,
Tanging huni ng alon ang naririnig,
Kalungkutan ay nananaig,
Habang sa sulok nakatindig,

Malayo ako kay Inay,
Pati na sa butihin kong Itay,
Sa mahal kong si Indhay,
Di rin maiwasang mawalay,

Bawat hampas ng hangin,
Sa Itaas lagi kong dalangin,
Iligtas at pagpalain,
Sa mga pangambang nakahain,

Sa kislap nakatingin,
Napasulyap sa bituin,
Sila'y nalulungkot din,
Ngunit handa kang pangitiin.

Mga ulap di maaninag,
Salat sa kalat na liwanag,
Katapangang di matinag,
Tila batong di matibag,

Ito ang dilim ng karagatan,
Puno ng pagkaulila at kalungkutan,
Di man sang-ayon ang kalooban,
Kailangang kayanin ng isipan.

This poem is about: 
Me
My family
My community

Comments

Additional Resources

Get AI Feedback on your poem

Interested in feedback on your poem? Try our AI Feedback tool.
 

 

If You Need Support

If you ever need help or support, we trust CrisisTextline.org for people dealing with depression. Text HOME to 741741