Noong Minsang Naging "Tayo"

Tue, 02/20/2018 - 05:02 -- Dimple

Pitong taon, Pitong taon kong hinintay ang mga katagang ni minsan ay hindi sumagi

at ni hindi minsan ay hindi namutawi sayong mga labi.

 

Nagsimula ang lahat sa simpleng usapan, sa simpleng kiligan, sa simpleng utuan.

 

Hindi ko namalayan na unti unti na pala kong nahuhulog sa pitang di ko inaakalang lalalim

hanggang sa patuloy Nakong lamunin ng hangaring makasama ka at ibigin kang palihim.

 

Nagtapat ako sayo pagkatapos ng Ilang beses na pagharap sa salamin,

nagbabaka sakaling kiligin ka at baka ikaw ay mapasakin.

Pero nasira ang imahinasyon ko ng sabihin mong “Ano?”

Di ko alam ang gagawin ko kaya nagpatulong  nalang ako sa barkada mo sa kanto.

 

Di ko alam kung panong nangyaring naging tayo basta alam ko masaya ko

at ang mahalaga akin ka na at sayo lang ako.

Ginawa ko lahat para lang mapasaya ka,

timpla ng kape at punas ng pawis tuwing may laro ka

 

Kung minsan alaga ko pa ang pamangkin mo kapag wala ka

tapos pag-uwi mo aalis na din ako kasi kamo kailangan mong magpahinga.

Bilang na bilang ang beses ng paghalik mo sakin

pero wala akong pakielam kasi mayakap lang kita sapat na para sakin.

 

Pinilit kong unawain kahit na hindi ko masalin sa mga salita

ang nararamdaman kong pilit na gustong kumawala

pero bakit? Bakit mahal na mahal padin kita kahit ang sakit sakit?

 

Lumipas pa ang ilang taon na tayo ay magkasama.

Pinakilala mo ko sa pamilya at ilan mo pang mga barkada,

Noong mga oras na yun sobrang saya ko na kasi piling ko, eto na,

nararamdaman ko na yung puso ko sasabog na and I belong na talaga!

 

Nilamon ako ng Sistema, Kada sweldo ko may regalo ka.

Sagot ko pa pati Gatorade ng tropa

Pero kung minsan monthsary natin pero di mo naalala

pero okay lang yan kasi yayakapin mo ko at magsosorry ka.

 

Isang beses lang akong nagalit pero basag na baso ang kapalit,

Hindi mo maintindihan pero kailangan mo ngang maunawaan

na babae ako mahal, may puso ding nasasaktan.

 

Hanggang sa nalaman kong may iba ka,

pinsan daw ng ‘yong barkada,

pinagsasabay mo daw kami

pero mas may oras ka sa kanya.

 

Ang sakit sakit isipin na nagagawa mo pading magsaya sa piling ng iba

habang eto ako nangungulila, nag-aabang na makapiling ka

 

Pero paano ko tatanggapin ang paliwanag mong wala lang

at ayoko ng lumaban kasi kahit anong gawin kong pilit,

punto mo parin ang ginigiit, At Sino? Sino ba naman ako? 

Ako yung taong mahal mo na may kaakibat na metro.

 

Metrong nagsasabing hanggang dito nalang ako,

ibigay ko man ang lahat lahat, lahat ng kaya ko sa mundong ito,

Wala ng pag-asa, iiwan mo padin ako.

 

Nagpanggap akong walang alam

kahit na akoy nasusuklam

sa pagnanais na maibaon ka ng buhay

pero di ko kaya kasi mahal,

mahal na mahal kita. Ikaw lang habang buhay.

 

Sinikap kong mabuo ang relasyon nating matagal ng sira,

relasyong noon pa man ay ako lang naman talaga ata

Ako lang yung kumakapit

at pilit na iginigiit ang pag-ibig na masaya na lamang sa aking panaginip.

 

Kaya sumuko ako,

Sumuko ako hindi dahil sa hindi na kita mahal

kundi dahil sa paniniwalang mas liligaya ka

sa piling ng tunay mong minamahal

 

Nakita ko ang saya sa iyong mga mata

Mga ngiti sa labing para bang kakaiba

Ganyan nga siguro talaga kapag totoong nagmahal na

Ang lalaki sa babaeng pinapangarap nya

 

Ayoko mang tanggapin

pero di ko kayang pigilin

ang katotohanang wala ka na

at hindi ka para sakin

 

Salamat, Salamat sa sandaling ikaw ay napasakin

kahit na sa salita lang kahit di mo kayang totohanin

 

At kung dumating man ang panahon na ako’y umibig muli,

Susulitin ko na ang bawat sandali,

Hindi ako magpapadalos dalos sa pag-ibig  na sawi,

at hinding hindi ko iisipin ang salitang “baka sakali”

 

Ngayong masaya ka na sa piling ng iba,

at tanggap kong di mo ko iniiwan kasi naawa ka,

Gayonpaman mahal ang gaan palang Makita

na tunay kang nagmamahal kahit para sa Kanya

 

Ipagdarasal ko ang inyong tagumpay

Masayang pagsasama at masaganang pamumuhay

Hindi ko hahangarin na kayo’y mapasama

kahit iyan ang pag-ibig na sa puso ko ay sumira

 

Kaya mahal paka-ingatan mo ang bago mong pag-ibig,

Mahalin mo ng tapat at matuto kang makinig

Seryosohin mo sana ang kanyang pag-ibig

Habang ang puso mo ay patuloy na pumipintig

Comments

Additional Resources

Get AI Feedback on your poem

Interested in feedback on your poem? Try our AI Feedback tool.
 

 

If You Need Support

If you ever need help or support, we trust CrisisTextline.org for people dealing with depression. Text HOME to 741741