Salamat, Teacher

Ang ama at ina,
Na nagdisiplina,
Pag kami'y sa paaralan,
Pinagtyagaang pangaralan,

Upang maging ehemplo,
Sa pagtayo ng templo,
At matatag na pundasyon,
Maabot ang ambisyon,

Iisa lang ang layunin,
Sa kabutihang loob lamunin,
Tayo ng mabuting asal,
Kaya pinupuno ng aral,

Salamat, mahal na guro,
Di ka nagsawang magturo,
Kahit minsan ay pasaway,
At madalas napapaaway,

Di sumuko't umatras,
Determinasyon ay likas,
Na kami ay maging matino,
Kaya salamat sa malasakit nyo,

Anuman ang maabot ko,
Tagumpay man ay mahakot ko,
Manatiling sariwa sa isipan,
Kung pano sa'kin itinanim ang kabutihan.

This poem is about: 
My community

Comments

Additional Resources

Get AI Feedback on your poem

Interested in feedback on your poem? Try our AI Feedback tool.
 

 

If You Need Support

If you ever need help or support, we trust CrisisTextline.org for people dealing with depression. Text HOME to 741741