DISTANSIYA

Walang makakatibag sa pagmamahal ko sayo kahit pa ang Distansiya
Kahit pa milya-milyang layo pa yan
ay gagawa pa rin ako ng paraan
Papatunayan pa rin na mahal kita
Walang katiyakan ang mundo
Tayoy pinagsakluban na nito
Parang langit at lupa na tayo
Pilit na tinatanaw ka sa malayo
Hindi ka na maabot
Ngunit kahit pa
nagiisa na ako ngayon at wala sa piling mo'y sana iyong maalala
Na narito ako sayo naghahanap
At minamahal ka ng walang halong biro
Huwag kang magalala di kita malilimutan
Hindi kita pababayaan
Nais ko lang malaman mong
Ako'y sabik ng makapiling kang muli
Mahal, sa pagbalik mo'y 
hahagkan at yayakapin ka
Ng walang salita habang ang luha ko'y bababa sa mga mukhang
kay tagal mo ng di nahaplos
Mahal, at kung sakaling sabihin mong wala ka ng nadarama sa akin
ay papahintulutan kong saktan mo ako
Ganun kita kamahal
Distansiya ang naging kalaban ko
Pero kahit pagbalik-baliktarin ang mundo
Mahal,
Ang distansiyang pumapagitna sa ating dalawa ay kakalabanin ko.

Comments

Additional Resources

Get AI Feedback on your poem

Interested in feedback on your poem? Try our AI Feedback tool.
 

 

If You Need Support

If you ever need help or support, we trust CrisisTextline.org for people dealing with depression. Text HOME to 741741