MERON NG IBA

Mahal? Pakisabi
naman
Ang nais kong mapakinggan
Dahil ako ay nakakaramdam
rin naman
Ako ay nasasaktan
Nakikiusap ako banggitin mo naman
Ayaw mo na kasi? Kasi ano?
Yan ang gusto kong sambitin ng mga labi mo
Mahal? Kinaya ko naman
Ikaw sumoko naman
Ayos lang naman kung
Sabihin mong
"Mahal ayoko na sayo dahil pumangit ka na"
Kesa sa marinig kong sabihin mong
"Ayoko na sayo dahil meron na akong iba"
Napakatindi ng epektong naidulot 
nito 
Kailangan pa bang ako ang magpaliwanag sayo?
Ano ba?
Pumipiga na ng luha ang mga matang ito
Na minsan mo ng pinasaya dahil nasilayan nanaman kita
Naalala mo pa ba lahat mg alaalang meron tayo
Nung sinabi mong 
kailanman di tayo magkakahiwalay
Pero lahat ng yun ay hindi pinahintulutan ng tadhana.
At ngayon parang sinaksak ang puso kong durog na durog na nga 
ngayoy pinasobrahan mo pa
Jusko kakayanin ko pa ba?
Pero sa bawat araw na hindi ka nag'atubiling kamustahin na man lang ako ay 
nasanay na rin naman
na wala na akong kasabay tumawa
Wala na akong kasabay kumanta 
Wala na akong kasabay pagmasdan sa gabi ang mga bituin at buwan
Mahal? Tinuruan mo akong mabuo
Tinuruan mo na rin ako ngayong masira.
Wala pang mas sira sa mga pangako mong di mo na kailanman magagawa.
Andito pa rin naman ako sakaling
ang isip moy magbago
Andito pa rin naman ako 
umaasa sa dating tayo.

Comments

Need to talk?

If you ever need help or support, we trust CrisisTextline.org for people dealing with depression. Text HOME to 741741