18 Months
Sapat na ang labing walong buwan
Wala na itong patutunguhan
Itigil na natin pati pagkakaibigan
Ayaw na kitang lapitan, ayaw nang tignan.
•
Magkaibigan na tayo ngayon
Alam kong nagtataka ka sa'king desisyon
Biglaan at tila 'di pinag isipan
Mahal kita pero 'di bilang kaibigan.
•
Ayoko nang mahirapan pa
Nasasaktan na'ko ng sobra
Pagod nakong umasa
Umarte na lang tayo na parang 'di magkakilala.
•
Ginago, kinaibigan, nagbago
'Yan ang tingin ko sa sarili ko
Oo.nagbago, kasi 'di na ako yung dati
Yung sunod sunuran palagi.
•
Walang permanente
Matuto kang umintindi
Na tao rin yung babaeng nagmahal sayo
Na napagod at ngayon sya na'y sumusuko.
•
Makasarili ako sa tingin mo
Kasi pati pagkakaibigan 'di ko kayang ibigay sayo
Mahirap kasi magkunwari
Na okay ang lahat kahit hindi.
•
Sapat na ang ilang buwang pagtingin tingin sayo
Itatapon ko na yung pagtingin ko
'Di nako lilingon
Sa halip ay babangon.
•
Sarili ko na lang ang iisipin
'Di na kita kailangan pang kamustahin
Dahil habang humihinga ka
Ibig sabihin okay ka pa.
•
Wala nako sa tabi mo
Na laging nandyan para sayo
Ituring mo'kong anino ng tao
Hindi makakausap kahit nakikita mo.
•
Ayoko nang sabihin pa
Na 'pag niloko ka nya
Nandito lang ako
Nagmamahal sayo.
•
Kung kailangan kong humingi ng sorry,
SORRY then let me be happy
Yung hindi ka kasama
Yung ako lang mag isa.
•
Kasi kung kasama ka pa
Lagi lang may kaba
Lagi lang may sakit at pait
At ang malupet, kailangan ko pang magmabait.
•
Tama na
Sapat na
Ayoko na
Kahit na
•
Mahal ka pa
Kasi masakit na
Nakakatanga na
Nakakapagod ka.
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts.
Log in to leave a comment.