Aking minamahal
Mahal, naalala mo ba noong una tayong nagkakilala
Ako ay halos matulala
Hindi mapakaling paikot ikot
Na kung ano anong kinakalikot
Sa bawat tingin mong nakakakilig
Na parang ako ay nanginginig
Sa mga tawa mong nakakainis
Pero sobrang nakakamiss
Ikaw ang nagbigay ng inspirasyon
Sa aking buhay na puno ng emosyon
Ikaw ang nagsilbing liwanag
Sa hindi kayang ipaliwanag
Ikaw ang kasa kasama sa lungkot at saya
Na ismo aking buhay ay itataya
Wag ka lang kumawala
Dahil ayaw na kitang mawala
Ngayon tayo'y magkahawak kamay
Na magkasamang maglalakbay
Problemang bigla biglang lumilitaw
Sana'y wag kanang bumitaw
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (2)
Log in to leave a comment.