Covid-19: Labanan Nating
2019... Dumating ang COVID-19
Biglang nagbago ang mundo natin
Nawalan ng pamilya, trabaho't saya
Hanggang kailang kaya itong pagdurusa?
Mga manaliksik at siyentipiko
Saang sulok man ng ating mundo
Dahil sa COVID-19 lahat nagkagulo
Naghanap ng lunas para mawala ito.
Bata, matanda, mahirap, mayaman
Walang pinipili itong sakit na lapitan
Kaya lahat tayo dapat magtulungan
Nang sakit na ito ay lumisan.
Ako, ikaw, tayong lahat
Magkaisa at gawin ang dapat
Kaya lahat kapit at manalangin
Dahil walang imposible sa Panginoon natin.
👁 4💬 0
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts.
Log in to leave a comment.