Duplicate ng puso
"Duplicate"
Ang hirap magmahal ng dalawa,
Ang hirap mamili kung sino ba,
Mahirap akong mahalin,
Dahil 'pag may umamin agad kong sasaluhin.
•
Ang problema nagsabay
Sabay kayong kumaway
Ang hirap lumingon
Ng sabay sa magkaibang direksyon.
•
Alam ko ang pakiramdam
Ng mahulog, di sinalo at pinabayaan.
Para sa'kin swerte ako
Dahil nandyan kayo.
•
Pero mahirap pala pag sumobra
Yung biyayang bigay nya
Biyaya ba talaga 'to?
O sakit lang sa ulo?
•
Araw-araw nananalangin
Na sana ako ay mahalin
Pero bakit ngayong nandyan kayo
Tila lumaki lang ang problema ko.
•
Pareho kayong gusto
Alam kong hindi ito wasto
Kasalanan ko ba?
Magmahal ng dalawa?
•
'Pag kausap kita masaya
'Pag kausap ko sya masaya
Pero 'pag kayong dalawa
Ang kausap ko nakakakaba.
•
Walang humahadlang
Mamimili na lang
Pero hindi ko magawa,
Wag na lang kaya?
•
Sa sobrang hirap
Wala ng pinili at di na tinanggap
Ang pagmamahal nyong inalay
Tinapon at sa takot nagpatangay
•
Kung sana lang dalawa ang puso ko
Hindi na sana umabot sa ganto.
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts.
Log in to leave a comment.