Gyera Sa Lupang Hinirang
Inang Bayan,
Kailan ba? Kailan ba titigil ang sigalot,
Hanggang kailan na sa kaguluhan ay mabalot
Hanggang kailan maging alipin ng pagkasalimuot?
Balang itinarak sa dibdib ng kapwa
Sa kanilang naulila di ba naawa?
Sa ngtatangis nilang asawa't bata,
Bunsod ng kanilang pgkawala
Dugo sa dugo ang nglalaban
Kapwa Pilipino, nagpapatayan
Para sa sariling kapakanan
May mga puso pa ba kayo nyan,
Ito ba? Ito ba ang ipaglaban ng mga bayani
Nawala na ang dangal, kasakiman ang naghari
Kung kalagayan ay ganito lagi,
mwawala na ang Perlas ng Silangang natatangi,
Lupang Hinirang
Durog na ang puso
Malapad na ang mantsa sa watawat,
Di na mapigil at di na maawat,
Pagod nang magtago sa putikan
Sawa nang dumapa sa damuhan
Nanginginig ang tuhod at ktawan
Pagkat putuka'y malapitan
Paslit pa lamang ay nakagisnan
Dekada na ang lumipas sa kabihasnan
Ano ba talaga ang pinag ugatan
Waring wala itong hangganan
Taliwas ito sa pangarap at hiling
Di ito aming sigaw at daing
Kundi kapayapaan katiwasayan at pagmamahalan
Sana balang araw ito'y mapakinggan.
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts.
Log in to leave a comment.