PoemsBrowse PoemsSlamsFresh DropEchoes
LearnWriting TipsPoetry TermsPoets & ArtistsBooksFor Teachers
ExplorePoetry GenomePoem MapEchoesTake ActionGroups
AboutWrite a PoemDonateSign UpLog In

ISA


Ilang beses mo ba kailangang masaktan

ilang beses mo ba kailangang madapa

ilang beses mo ba kailangang lumuha

bago mo maalala ang Dakilang Lumikha?

Kung kani kanino hinanap

kung saan saan nagpunta

kung ano ano pa ang ginawa

nalimutan mo na Ako'y nandito pa.

Matagal na kitang hinihintay

matagal ko nang gustong mayakap ka

matagal ko nang inaasam na makasama ka

at ngayon, nais kong sa aki'y lumapit ka.

Tandaan mo:

Ang pag ibig ko ay sapat na para sayo

ang pag ibig ko ang magpupuno sayo

ang pag ibig ko ang magiging lakas mo,

at ang pangalan ko lang ang makakapagligtas sayo kung tatanggapin mo ako.

Akala mo sira ka na

akala mo wala ng pag asa

akala mo ako'y nawala

ngunit lahat ng ito ay maling akala.

Isa lang ang masasabi ko

dahil isa lang naman ang kailangan mo

isa lang ang makakapagkumpleto sayo

at makakapagpasaya ng puso mo

ang isa na isinasantabi mo

at minsa'y nakakalimutan mo

o naaalala pag may kailangan pa

ako ang nag iisang forever mo

ako ang kasama mo sa buhay na walang hanggan

ako na nagtiis at nagbuwis ng buhay para sayo

at patuloy na lumalaban para sa pag ibig na ito..

 

Nagmamahal,Hesus. :) <3

©All Rights Reserved

Something wrong with this poem?

Share

Replies are closed for this poem.

Your Poem's Voice

See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.

Comments (0)

No comments yet. Be the first to share your thoughts.

Log in to leave a comment.