PoemsBrowse PoemsSlamsFresh DropEchoes
LearnWriting TipsPoetry TermsPoets & ArtistsBooksFor Teachers
ExplorePoetry GenomePoem MapEchoesTake ActionGroups
AboutWrite a PoemDonateSign UpLog In

Kaibigan Lang


HAHAHA!, ang saya diba,

Ang saya sa pakiramdam pag mahal ka,

Ang saya sa pakiramdam pag importante ka,

Ang saya sa pakiramdam pag kaligayahan ka ng iba.

 

Pero paano, paano kaya

Kung yung taong akala mong ikaw ang kaligayahan ay,

Kaibigan lang.

Kaibigan lang pala ang turing sayo.

 

Mahal mo siya,

Pero mahal niya iba,

Gusto mo siya,

Pero bahagi ka lang sa plano niya.

 

Hinahangad mo na sana

isayaw ka niya sa ulap,

Pero yung hangarin mo,

Sa iba niya pinangarap.

 

Wala kang magawa

Kaya sa iba mo nalang siya pinaubaya.

Nagkaroon ka ng chansa,

Ngunit di mo nakamit yung pag-asa.

 

Ang pag-asang maging

KAYO,

Sa kasalukuyan man

o Mapasakabilang buhay pa yan.

 

Paano kung di mo yun nakamit,

Gaano kaya ka sakit

Kung yung taong lubos-lubosan mong minahal ay,

Hindi ka sinuklian ng pagmamahal sapagkat itinuring ka lamang niyang

MATALIK NA KAIBIGAN

©All Rights Reserved

Something wrong with this poem?

Share

Replies are closed for this poem.

MjsK110929G

~Scorpio~

View all poems →

Your Poem's Voice

See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.

Comments (0)

No comments yet. Be the first to share your thoughts.

Log in to leave a comment.