Kaya pala!
Laging tulala sa bintana
Pinapanood ang mga naglalarong bata
Hiyawan, sigawan puro kasiyahan
Iyan ang mga bagay na hindi ko naranasan.
Laging nagtatampo kay Mama
Bakit ayaw nya 'ko makisalamuha sa iba?
Ako naman ay 'normal'
Hindi nya ba 'ko mahal?
Karapatan ko'ng magsaya
Pero bakit ayaw nya?
Gusto nya lang daw ako'ng ingatan
Bakit yung iba pinapayagan?
Lagi lang nasa silid
Nagmumukmok sa gilid
Sa apat na sulok ng aming bahay
Do'n lang umikot aking buhay.
Hanggang dumating yung oras
Kailangan ko nang lumabas
Papasok na'ko sa eskwela
Para akong nakawala sa hawla.
Lumipas ang panahon
Nalalagas na ako na parang dahon
Ito pala yung dahilan
Kung bakit sobra ako kung ingatan.
Sa paglubog ng araw
Sasabay ang pagpanaw
Tanggap ko na
Pero may problema.
Sa isang tao nangako
Sana 'di nya sineryoso
Na 'pag sumuko ang isa
Aayaw na rin yung isa.
Mahal ko kasi sya
Alam naman nya
Ayoko na kase
Di ko lang masabe.
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts.
Log in to leave a comment.