Kunwari
Masaya—tayo. 'Yan lagi ang nasa isip ko Alam mong hulog na hulog nako sayo Mula ng magkaroon ng kunwaring "tayo". • Oo, kunwari yung "tayo" Pero yung saya para sakin totoo • Kunwariang pagmamahalan Yung "tayo" sa harap ng karamihan. Yung ako lang yung masaya sa'ting dalawa 'Pag wala na sila, iiwan mo na ng nag-iisa. • Masaya ako na kailangan moko Yun nga lang para lang magkabalikan kayo Kinailangan moko para magselos sya Kinailangan moko para bumalik sya. • Tanga ko talaga Naaalala ko pa nga Yung una akala ko seryoso Seryosong mahal moko. • Mahal mo nga ko Kase kailangan mo Mahal mo ko di ba? Kaso hindi totoo. • Habang ako'y hinaharana Nakatingin ka saking mga mata Na tila para sakin ang bawat kataga Na parang sakin mo sinasabing "mahal kita" • Kaso parang may mali Parang napakadali Ang bilis naman ata Bakit bumalik na sya? • Kanina lang tayo pa Bakit ngayon kayo na? Ay hindi! Dapat may uli, Kayo na uli. • Nagmukha akong kontra bida Sa sarili kong istorya Para akong ekstra Sa mga sumunod na eksena. • Dapat sinabi mo agad Na yung sakit pala abot sagad Bakit pa sya bumalik? Akala ko akin ka na. • Akala ko tayo na lang Akala ko mauuwi ang lahat sa seryosohan Akala ko puro saya Pero mas masaya ka sa kanya • Alam ko namang wala kang dapat aminin Kasi wala ka namang nararamdaman para sakin At alam kong wala akong dapat palayain Kasi kahit kailan 'di ka naman naging akin. • Alam ko!,Alam ko! Ang daling alamin Pero ang hirap tanggapin.
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts.
Log in to leave a comment.