Kwento ni Eba
Ang tulang ito, ay inaalay ko sa mga Ebang tulad ko
Babae, tayo ay gawa sa isang tadyang ni Adan,
ginawa para maging Katuwang ni Adan.
Ngunit, nahulog ako sa pagkakamali,
natukso ako ng kaaway, na kanin ang bunga.
nadala ako sa aking pagnanais, na maging tulad nya.
mahina ako!, naniwala ako!.
at nadamay ko si Adan.
Babae ba ang dahilan?
Tayo ba yung tipong nagdala ng kasalanan sa sanlibutan?
tayo ba ang nagdala ng labanan sa pagitan ng mabuti at masama
Karahasan na gawa ng sanlibutan.
tao ang silbing laruan.
laruan ng kaaway.
kaaway na sumisira ng ating dangal.
Ako nga ba ang dahilan, kung bakit tayo nagkaroon ng hangganan?
na buhay na dapat sanay walang hanggan
siguro nga, ang babae ang dahilan,
pero ang babae din ang dahilan para magluwal ang ating tagapagligtas.
nasa atin tumubos, nasa atin luminis..
kaya hindi dapat nila tayo husgahan.
binalot ng kadiliman ang sanlibutan.
puno ng karahasan at kapalaluan.
Hindi nais ng tao, ang mga maling gawa.
dikta ng kaaway ang namamayani sa sanlibutan.
ngunit ang tagapagligtas ang susi.
ang pinto, mabuting pastol,
at kung tayo ay nasunod sa nais nya,
tayo ay maliligtas.
maliligtas sa sitwasyong masama, na utos ng kaaway.
tayong mga tao, ang nasisilbing laruan ng kaaway.
nagagawa natin ang mga masamang gawa.
gawa na hindi nais nya!
pero nasa atin pa din ang disisyon.
kung ano ang dinisisyunan mo ngayon, ito ay bunga ng kinabukasan
hindi si Adan o si Eba man, ang may sala!
sala ng karahasan.
sala ng nasa sanlibutan
kundi ang kaaway!
kaaway na dapat nating labanan
labanan sa pangalan ng Panginoon
natubos na tayo!, sa ating kasalanan
kailangan lang natin, maniwala at sumunod sa kanya
ipahayag ang mabuting balita sa atin kapwa.
Dahil ginawa nya tayo para sa layunin ng kabutihan.
Babae o lalake man, tayo ay may layunin sa sanlibutan.
at ito ang kwento ni Eba.
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts.
Log in to leave a comment.