PoemsBrowse PoemsSlamsFresh DropEchoes
LearnWriting TipsPoetry TermsPoets & ArtistsBooksFor Teachers
ExplorePoetry GenomePoem MapEchoesTake ActionGroups
AboutWrite a PoemDonateSign UpLog In

Mahal Kong Hindi ko Minahal


Alam mo kung bakit hindi kita minahal?
kasi natatakot ako, natatakot ako na baka 'pag minahal kita ay umiwas ka
natatakot ako na mawala ka pa sa akin kaya minahal ko ang iba
Kahit masakit man na makitang 'di ikaw ang kahawak ko ng kamay
Ayos lang, basta nandiyan ka lang parati at aking natatanaw
Titiisin ko ang sakit na ang pinili ko ay 'di ikaw
titiisin ko ang lahat kasi mahal ko lang ay ikaw
'Di ko man 'yun maamin ngayon ng harapan
darating ang araw na ikaw ay aking ipaglalaban
Sa mundo o tadhana ikaw ay aking babawiin
pagsisihan ko man na ikaw ay 'di naging sa akin
sa puso't isipan ko ikaw ang tangi kong iibigin
Mahal ko ang 'di ko minahal
dahil minahal kita sa panahong tutol ang lahat
minahal kita sa panahong malaki ang ating agwat
kaya pinili ko ang iba para pagsasama nati'y 'di magkalamat
at sa tamang panahon kung saan handa na ang lahat
tutulan man ako ng kapalaran ay mamahalin kita pagkat
ikaw ang tangi kong inibig mula noon kailanman
At hanggang ngayon 'di kita kayang palitan
Oo, 'di man kita minahal dahil pinili ko ang iba
masakit man sa akin pero ikaw lang talaga
na mas pinili kong saktan ka kaysa ang mawala ka
dahil hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay kapag sa akin ay nawala ka
Handa kong tiisin na masaktan at umiyak
'Wag lang ikaw ang masaktan at dahil sa akin ay umiyak
Kaya minahal ko ang iba para 'di ka mawala
mali man ang desisyon ko pero 'yun ang tama
na mahalin ang 'di ko mahal at 'di piliin ang aking mahal
para sa 'tin ay walang mag-iba
pero ngayon kung sa iba ka na masaya
Masakit man sa damdamin ay tatanggapin ko na
Dahil kasalanan ko naman kung ba't napunta ka sa iba
Kasi kung pinaglaban kita no'n sana ngayon ay akin kana
at 'di ko na kailangan pang masaktan ngayong kasama mo ang iba

 

©All Rights Reserved

Something wrong with this poem?

Share

Replies are closed for this poem.

Alvin Castro Baltazar

View all poems →

Your Poem's Voice

See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.

Comments (0)

No comments yet. Be the first to share your thoughts.

Log in to leave a comment.