PoemsBrowse PoemsSlamsFresh DropEchoes
LearnWriting TipsPoetry TermsPoets & ArtistsBooksFor Teachers
ExplorePoetry GenomePoem MapEchoesTake ActionGroups
AboutWrite a PoemDonateSign UpLog In

Minsan


Minsan nagkasama tayo

Sinamahan kita sa bawat pighati't lungkot na iyong dinaan

Ngunit ako'y iyong iniwan at iba ka sumama

Dahil para sayo siya ang maganda

 

Minsan sa eng hill pinuntahan kita. Umiyak ka ng sobra

Mga luha mo na pumapatak sa aking balikat

Ang mga yakap mong lungkot ang pinapakita

At nang ikay tinanong kung ano ang problema

Sabi mo ang sakit pala pag iniwan ka na niya

 

Minsan tinanong kita

Sa ilalim ng mga bituin inamin ko na mahal kita.

Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit.

Ngunit sabi mo sorry dahil hangang kapatid lamang ang tingin mo sa akin

 

Ngunit yuon na ang huling naginng minsan natin

Iniwasan mo ako dahil sabi mo yuon ang kaillangan

Pero bago ka umalis hayaang mong ikwento ko ating mga minsan

 

Minsan sa eskwelahan tayo nagjkita, sa ilalim ng mga puno tayo nagkakilala

Minsan naging close tayo sabi naitin lagi na tayong magkakasama

Minsan nagalit ka dahil sa mga corny jokes ko na hindi nakakatawa

Kaya Minsan nasabi ko na mahal kita pero akala mo joke kaya tumawa ka

 

Pero minsan ang lungkot natin dahil natalo and UP sa Cheer leading

At Minsan naiiinis ka dahil hindi mo na kaya and subject mong creative writing

Minsan sa pasiklaban akoy iyong niyakap at sa harap ng madaming tao ako'ybinuhat

Pero ang pinkasarap sa lahat ay kung paano mo sinabi ang mga katagang salamat

 

Minsan sumayaw tayo

Ikaw at ako, ikaw at ako

Tayo'y mag kaharap

Mata sa mata

Balikat sa balikat

Ikay nagsalita at naramdam ko ang ang iyong hininga

At binalitang mo na ikay masaya

Masaya ka dahil sinagot kana niya

 

Pero minsan kailangan talaga na nating mag paalam

Paalam sa lahat ng masasaya at pighatng nangyari sa ating buhay

At bago matapos ang tula na ito

Bago ko tapusin ang ating mga Minsan

Ang maga minsan nating kaysarap pakinggan

Ang lahat ng minsan na ating pinagdaan

Gusto kong sabihin na mahal kita mahal kita ng sobra

At oo mahal na mahal parin kita

Pero paalam na aking minsan 

©All Rights Reserved

Something wrong with this poem?

Share

Replies are closed for this poem.

Your Poem's Voice

See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.

Comments (0)

No comments yet. Be the first to share your thoughts.

Log in to leave a comment.