"PANAHON NG PANDEMYA"
Magandang umaga, ako si Dennis Bolima, na umaasang mabubuhay na kasama siya,
na umaasang mamahalin ako ng hinahangaan ko, biro lang pero totoo,
kaya ko sinasabi ito baka mawala siya sa piling ko, pinaparinig ko to para mahalin niya ko,
wala naman siya dito pero nandito naman siya sa puso ko
alam ko na nakikita nyo ako ng nakangiti, tatawa-tawa lang
pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang aking dinadamdam sa puso't isipan,
hindi ko alam kung paano ko siya mamahalin sa panahon ng COVID-19,
kung paano ko siya yayakapin eh kung merong social distancing,
para akong tanga na nagmamahal sa panahon pa ng pandemya
buti nalang nagsalita ang aking konsensya, sabi nya,
papakamatay ka ba para lang makita mo siya, naisip ko, oo nga no?,
at sinabi niya pa, gusto mo bang magaya sa mga taong naCOVID na?,
eh yun pinabayaan ko na ang aking konsensiya,
iniisip ko parin na mahal ko siya, pero hindi ko naman alam bahay niya
tama na ang drama hindi naman yan kailangan sa pandemya,
ang kailangan tayo'y magtulungan, kaya mga kaibigan tayo'y magtulungan,
kaso yung iba nananamantala, binibigyan ka na pinandodroga mo pa,
kaya may kasabihan na, pera na naging bato pa, isipin mo muna kung saan ka mapupunta,
siempre sa kulungan ka adik ka, buti nalang hindi ako adik sa droga,
akid lang ako sa kanya,
tama na tama na, pagusapan naman natin ang pandemya na pumupuksa ng maraming madla,
akala ko nga hindi matutuloy ang gera yun pala eto na,
pinagkaiba hindi nakikita, dati ang kalaban ng tao kapwa tao,
nagpapatayan gamit ang barilbarilan, ngayun hindi ko akalain na ang maraming bansa
ay naging isang bansa, para pumuksa ng kalabang hindi nakikita,
tulungan natin silang mapababa ang bilang ng nahahawa sa
sakit na mapansamantala sa mga taong walang kaya,
kaya tara magsama-sama, tayo'y magkaisa, ito na ang panahon ng pandemya.
👁 2💬 0
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts.
Log in to leave a comment.