PoemsBrowse PoemsSlamsFresh DropEchoes
LearnWriting TipsPoetry TermsPoets & ArtistsBooksFor Teachers
ExplorePoetry GenomePoem MapEchoesTake ActionGroups
AboutWrite a PoemDonateSign UpLog In

Sa Malawak Kong Silid


 

Isa, dalawa, anim, pito, apat, walo…

Nagsara ang mga pinto;

Tumigil sap ag ihip ang hangin;

Kumukulimlim ang paligid;

Tahimik ang lahat.

Wala akong marinig kundi

ang nakababasag na ingay ng katahimikan.

 

Tuyo’t malamig ang aking mga labi,

Ngunit puno ng salita ang aking kalawakan.

Sino? Ako ba? Multo? Ano?!

Nag sulputan ang mga ingay.

Bumilis ang tugtog ng pulso.

Gusto kong sumigaw, mag tatatalon, manakit.

 

Bigla kong dinampot ang buwan mula sa kalangitan,

Hinagis ang mga tala---

Ginulo ang pag kakaayos ng lahat.

Ang mga anghel! Nagalit ang mga anghel.

Bumaba silang nakakatakot ang mga mukha.

Paparusahan nila ako dahil sa aking nagawa.

 

 

Pinikit ko ang aking mga mata,

Sa magdamagang pagkurap sila’y palaging abala.

Pagod, silay di pa nagpapahinga.

 

Bumukas ang mga pinto;

Humalik ang hangin sa aking mukha;

Muling tumahimik ang lahat.

Gumaan ang aking pakiramdam.

 

Dinilat ko ang aking mga mata.

Walang mga anghel,

Hindi nila ako pinarusahan.

Walang mga buwan at mga tala, hindi ko ginulo ang pagkaka-ayos nila.

 

Umiyak ako. Oo!

Umiyak sa silid na puro kulay ng gapas ang makikita:

Putting unan, putting kumot,

Putting bakal, puting dingding.

 

Umiyak ako, umiyak hindi dahil ditto.

Kundi dahil nag-iisa nanaman ako.

Kinakausap ang kawalan, tinatanong ang ewan.

Natatakot saw ala, kinakagat ang mga daliri.

 

Isa, dalawa, anim, pito, apat, walo…

Gusto ko nang matutong muli

Ng tamang pagbilang.

 

©All Rights Reserved

Something wrong with this poem?

Share

Replies are closed for this poem.

mark_realworld

View all poems →

Your Poem's Voice

See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.

Comments (0)

No comments yet. Be the first to share your thoughts.

Log in to leave a comment.