SABI MO...SABI KO
Sabi mo walang nagmamahal sayo…
Sabi ko Gayun na lamang ang pag-ibig ko, na sukat ibigay ko ang bugtong na anak ko para lang sayo…
(Juan 3:16)
Sabi mo nagkasala ka…
Sabi ko pinatawad na kita, kasalana’y nilimot ko na…
(Isaias 43:25)
Sabi mo matigas ang ulo mo…
Sabi ko bibigyan kita ng bagong puso at bagong espiritu…
(Ezekiel 36:26)
Sabi mo hindi ka na magbabago…
Sabi ko sa akin ay makipag-isa, , mawawala ang dating pagkatao, ika’y babaguhin ko…
(2 Corinto 5:17)
Sabi mo hindi ka tapat…
Sabi ko ikaw man ay di tapat, ako ay tapat pa rin, di kita itatakwil…
(2 Timoteo 2:13)
Sabi mo natatakot ka sa sasabihin ng iba…
Sabi ko huwag mo ikabahala ang sasabihin nila, magtiwala sa akin at mapapanatag ka…
(kawikaan 29:25)
Sabi mo di mo tiyak ang kinabukasan mo…
sabi ko batid kong lubos ang mga plano ko sa iyo…
(Jeremias 29:11)
Sabi mo natatakot ka sa bukas na darating…
Sabi ko ito ay huwag mong ikabahalang harapin, bukas ay saka na lamang isipin, ang ngayon ang intindihin…
(Mateo 6:34)
Sabi mo mahina ka…
Sabi ko sapat ang aking biyaya…
(2 Corinto 12:9)
Sabi mo ikaw ay hangal…
Sabi ko ikaw ay aking hinirang…
(1 Corinto 1:27)
Sabi mo mag-isa ka lang…
Sabi ko ako’y kasama mo hanggang sa katapusan…
(Mateo 28:20)
Sabi mo pinabayaan ka…
Sabi ko hindi kita iniwan, hindi kita pinabayaan…
(Hebreo 13:5)
Sabi mo imposible na…
Sabi ko ang imposible sayo ay posible sa akin…
(Lucas 18:27)
Sabi mo hindi mo kaya yan…
Sabi ko ang lahat ng bagay ay makakayanan dahil sa kaloob kong kalakasan…
(Filipos 4:13)
Sabi mo napapagod ka at nanlulupaypay…
Sabi ko magtiwala sa akin, ika’y palalakasin…
(Isaias 40:30-31)
Sabi mo ay ibig mong lumayo…
Sabi ko susundan kita ng pag-ibig ko, pangungunahan at ibabalik sa presensya ko…
(Awit 139:9-10)
Sabi mo wala ng magandang nangyayari …
Sabi ko manalig ka sa akin, ako ang magliligtas sa iyo, ika’y palalakasin…
(Habakuk 3:17-19)
Sabi mo gumuho na ang mundo mo…
Sabi ko hindi naglaho ang pag-ibig ko at ang nananatili ang kapayapaang aking pangako…
(Isaias 54:10)
Sabi mo kalaban mo ang mundo…
Sabi ko ako ang kakampi mo, sino ang lalaban sa iyo?
(Roma 8:31)
Sabi mo nawalan ka na ng pag-asa…
Sabi ko sa akin ay may pag-asang di nabibigo…
(Roma 5:5)
Sabi mo punong puno ka ng mga pagsubok na halos ikabagsak mo…
Sabi ko ako ay tapat, di kita hahayaang masubok ng higit sa maaaring kayanin, ika’y palalakasin, ika’y pagtatagumpayin
(1 Corinto 10:13)
Sabi mo ikaw ay talunan…
Sabi ko ang lahat ay akin ng napagtagumpayan…
(Juan 16:33)
Something wrong with this poem?
Replies are closed for this poem.
Your Poem's Voice
See what makes your poem unique — its voice, energy, themes, and the literary traditions it draws from.
Comments (0)
No comments yet. Be the first to share your thoughts.
Log in to leave a comment.