Gising Na Ako

Gising na ang puso ko sa kataksilan mo,
Magdusa man di na ikaw ay babalikan ko,
Kung di mo naaalala ipaalala ko,
Ang mga panahong umiyak ako,

Dahil sa sakit na iyong iniwan,
Ang mga pighati nang ako'y nilisan,
Araw gabing umiiyak gusto ko nang wakasan,
Ang buhay ko, ayoko nang masilayan,

Ang sikat ng araw sa kinabukasan,
Dahil dala ko at tangan-tangan,
Ang kirot ay mabagal at dahan-dahan,
Kung mawala, kumawala ang luha,
Nang malaman ko noon na buntis ka,

At ang masaklap di ako ang ama,
Kung alam mo lang aking nadarama,
Nirespeto at iginalang kita,
Pero nagawa mo pa yon, taksil ka,

Karma mo nang di ka pinanagutan,
Ng hininga parang pinaglagutan,
Magdusa ka ngayon sa pagpalaki nyan,
Pinairal kasi ang kalandian,

Ilang bwan din ang nakalipas bago aking natanggap,
Na ang kapalaran ay sadyang mapagpanggap,
At ngayong masaya na ako sa iba,
Babalik at mangambala ka pa,

Lumuhod man ay kinalimutan ka na,
Kaya wag ka nang umasa na maging iyo pa,
Ang pagmamahal na no'n na sana'y iyo na,
Pero sinayang at nilaruan mo pa,

Salamat na lang sa pananakit mo,
Manhid na ako ngayon sa pangangalabit mo,
Salamat dahil nakilala ko siya,
Binigay niya saking hangad ko maging masaya.

Siya ang nagpuna ng iyong kakulangan,
Ramdam ko pagmamahal niya, malayo man,
Aming distansya, mapagkatiwalaan ko siya,
Pangako di na ako luluha sa kanya.

This poem is about: 
Me
My family

Comments

Additional Resources

Get AI Feedback on your poem

Interested in feedback on your poem? Try our AI Feedback tool.
 

 

If You Need Support

If you ever need help or support, we trust CrisisTextline.org for people dealing with depression. Text HOME to 741741